Big night na maituturing para sa singer-songwriter na si TJ Monterde ang ginanap na Wish Music Awards dahil wagi siya sa Artist of the Year category, isa sa pinakaaabangang award sa gabing iyon.
Para sa kanyang asawa at fellow singer-songwriter ay winner naman talaga si TJ sa kanya makuha man niya ang tropeo o hindi.
Naalala tuloy niya tatlong taon na ang nakakaraan kung saan nominado sin ang kanyang hubby pero hindi pinalad na manalo ng Artist of the Year.
Ngayon, super celebrate na ang mag asawa dahil ang kanilang manifestation, natupad na.
“KZ: basta, kahit ano mangyari, ikaw AOTY ko”— same exact line, three years straight. This year, we finally bagged it. Thank you, baby. proud of us,” sabi ni TJ sa kanyang post.
Wagi rin si TJ sa Wish Ballad Song of the Year para sa “Darating Din” at Wishclusive Collaboration of the Year for “Pahinga” kasama si James Reid
Umulan din ng suporta ang kanyang post dahil deserved naman talaga nila ang top prize.
“Congrats to both of u.truly deserve. More Blessings..Godbless”
“Congratulations my inday and dodong..God bless you both”