‘This is our win!’: ‘Lumpia Queen’ Abi Marquez, unang Pinoy na nag-wagi sa Webby Awards!

Si Abi Marquez, na mas nakilala pa sa bansag na “Lumpia Queen,” ang kauna-unahang Pilipinong na kinilala ng Webby Awards dahil sa kanyang engaging content sa social media.

Itinanghal si “Lumpia Queen” Abi Marquez bilang People’s Voice ng General Social: Food & Drink Category sa nakalipas na ika-28 Annual Webby Awards.

Iginawad kay Marquez ang pagkilala ng taunang Webby Awards, na nagbibigay ng pagkilala sa mga natatanging indibidwal at grupo sa paggamit ng Internet tungo sa makabagong komunikasyon.

“First Filipino from the Philippines to win The Webby Award, because of you!” isinaad ni Abi sa kanyang social media post. “Philippines, this is for you.”

“This is a celebration of Filipino food, talent, and the hard work of so many people. Grateful beyond words for the chance to fly to New York, represent our country, and cherish this moment as a core memory. THIS IS OUR WIN,” dagdag pa niya.

Noong isang linggo, kasama rin si Marquez sa mga nominado sa ilalim ng social media account category ng James Beard 2024 Media Awards. Gaganapin ang awards night ng James Beard awards sa susunod na buwan.

Isa sa mga pangunahing food content creator si Abi sa bansa, na nakilala sa paggamit ng lumpia wrapper sa kanyang pagluluto.