This girl is on fire! Kim Molina, ipinagtanggol ang jowang si Jerald Napoles laban sa bastos na basher

Kim Molina, hindi pinalagpas ang bastos na basher na tumawag kay Jerald Napoles na mukhang kargador.

Hindi pinalagpas ni Kim Molina ang isang basher na tumawag sa kanyang jowa na mukhang kargador, at sinabing wala namang masama sa pagiging kargador. Ang masama, ani Kim, ay ang pagiging bastos.

Sa isang post na ibinahagi ni Kim kung saan buhat buhat siya ng kanyang nobyong si Jerald Napoles, nagbitaw ang netizen ng isang bastos na comment at sinabing mukhang kargador si Jerald.

Ani Kim, hindi niya nage-gets kung bakit mababa ang tingin ng mga tao sa kargador samantalang isa itong marangal na trabaho. Dagdag pa niya, talaga ring nag-sideline bilang kargador ang kanyang jowa bago ito pumasok at namayagpag sa teatro at showbiz dahil ito ang nakatulong na maitawid ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya.

Sinabi pa ng “Zsa Zsa Zaturnnah” star na proud siya kay Je, sa lahat ng narrating nito at maging sa mga pinagdaanan nito sa buhay kaya’t hindi maaring ang isang basher na nagtatago sa fake account lang ang hahamak dito.

“Ano ba problema niyo sa pagiging ‘kargador’ eh sa totoo lang, people who do hands-on labor work are people we should acknowledge sa hirap ng ginagawa nila araw-araw. Hindi ito dapat ikahiya. Kung wala sila, sige, ikaw magbuhat ng sarili mong box na sandamakmak, ikaw maghalo ng sarili mong semento, ikaw magtapon ng sarili mong truck ng basura, ikaw mag-pukpok ng sarili mong kabinet at ikaw bumuo ng sarili mong bahay o building gamit ang sarili mong kamay,” sabi ni Kim.

“DO NOT UNDERESTIMATE THE IMPORTANCE OF THOSE PEOPLE WORKING FOR US,” dagdag pa niya sa kanyang post.