‘There’s hope for the Philippines’: Pinoy commuters, ikinatuwa ang pagbukas ng 5 istasyon ng LRT-1 Cavite Extension

Pinuri ng mga commuters ang pagbukas ng unang limang istasyon ng LRT-1 Cavite Extension na inaasahang magpapagaan ng kanilang byahe araw-araw.

Maraming netizens ang pumuri sa bilis at abot-kayang pamasahe ng bagong stations ng Light Rail Transit (LRT)-1 Cavite Extension.

Ayon sa mga commuters na nag-bahagi ng kanilang byahe at pagkatuwa sa social media, “it’s easier, faster and cheaper.”

“Finally! Lrt2-LRT1 easy way going to PITX.”

“Nakakatuwa. Hindi na maglalakad pa papuntang edsa carousel, mag-antay ng bus na iikot pa MOA na pagkatagal-tagal para makarating PITX.”

Ibinahagi naman ng isang netizen ang kanyang magaan na byahe mula Dr. Santos station papuntang SM North Edsa, Quezon City sa loob lamang ng 30-45 mins at sa halaga na P45 lang.

@daniela.dilla sofer bilis ng byahe!!💗 #lrt1caviteextension ♬ Palagi – TJxKZ Version – TJ Monterde & KZ Tandingan

@dmballesteros_ Newly opened LRT1 station – PitX (extension from LRT1 Baclaran) #public #fyp #self #weekendvibes ♬ original sound – Rhianne Macy – @rmxcy_ on ig

Habang naging emotional naman ang comment ng isang commuter, “slowly but surely progressing. There’s hope for the Philippines! Soon! A very smooth transportation system sa buong Philippines.”

Binuksan sa publiko ang bagong stations na Redemptorist-Aseana; Manila International Airport; Asia World/Parañaque Integrated; Terminal Exchange; Ninoy Aquino Avenue; at Dr. Santos noong Nobyembre 15.

Layon nito na maibsan ang traffic at maserbisyohan ang inaasahang 80,000 commuters bawat araw.

https://www.tiktok.com/@_hiddengem/photo/7438277477199383816?is_from_webapp=1&sender_device=pc