The world is healing! Meme Vice X Mama Pao para sa viral ad ng McDo ikinatuwa ng madlang dabarkads

Isinantabi muna ang kumpetisyon ng mga noontime show sa bagong ad ng McDo.

Labis na ikinatuwa ng mga fans ng noontime shows na “It’s Showtime” at “EAT!” ang pagsasama nina Vice Ganda at Paolo Ballesteros sa bagong ad ng McDo.

Matatandaang matindi ang kumpetisyon ng dalawang programa para sa ratings sa mahabang panahon. Pero sa pagkakataong ito, good vibes ang dala ng dalawang host sa kanilang interaksyon para mag endorso ng iisang produkto.

Hataw din ang dalawang host na parehong lumabas suot ang matitingkad at naggagandahang gown.

Saktong sakto ang pagsasama nila para sa darating na Pasko, kung saan ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang pagkakaisa, pagbabati at pagsasama-sama.

Di naman napigilan ng mga netizens na mapa-comment sa tuwa:

“This is sooo good!”

“The world is healing.
GMA x ABSCBN stars collab.”

“The best message is HEALING
healing of self and others”

“What’s up madlang dabarkads,E.A.T Showtime!!!”

“Love ko to! Tong ads n to..”