The power of C! Kanta ng The Beatles ginamit na susi ng mga walang sagot sa exam

Aliw ang mga hindi nag-aral na walang maisagot sa exam dahil ang kantang “Let it Be” ng The Beatles, may bago nang lyrics.
Found this article interesting? Help others discover it too!

May nakakatuwang sistema para sa mga estudyanteng hindi matukoy ang sagot sa multiple choice. Gamitin lamang ang kantang “Let it Be” ng The Beatles.

Sa isang video presentation, ginamit na background music ang kanta ng The Beatles para sa mga lyrics na tumutukoy sa mga choices ng sagot sa exam. Kasama na din ang susi sa pagsagot. Kung hindi nga raw sure ang answer, piliin ang Letter C. Meron din namang nag-suggest ng letter B pag board exam. Ang iba naman mas bet ang A at D.

Ano man ang piliiin, pinaka safe pa din ang mag-aral.

“Perfect!”

“Legend knows, letter C, is the perfect answer.”

“Pwede.. Ikaw na bahala”

“Power of C lalo na kapag change of paper to ur seatmate”