The neck brace is Dior: ‘Engineer’ Edu Manzano may panibagong AI hirit sa mga kurakot

Hirit ni Edu Manzano gamit ang AI: The neck brace is Dior, the funds are yours.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Ngayong naglalabasan na naman ang pangalan ng iba’t ibang politikong sinasangkot sa mga anomalya sa flood control projects, hindi na naman napigilan ng actor at TV host na si Edu Manzano na humirit ng panibagong AI entry.

Noong kasagsagan kasi ng anomalya sa DPWH at ghost flood control projects, napagkatuwaan ni Edu na gamitin ang AI para mag-generate ng iba’s ibang imahe niya sa iba’t ibang role tulad ng kurakot na engineer at nepo baby.

Ngayon naman ang kanyang entry na Cong in Paris, ready na si Edu bilang isang kongresista na rumarampa sa Paris na may neck brace na branded pa ng Dior. Uso kasi sa Pilipinas na ang mga kinakasuhang opisyal ay palaging humihingi ng abswelto dahil may medical issue.