The man who can’t be moved? Kuya na natraffic sa paglalakad sa kalye, viral sa TikTok

Viral sa TikTok ang isang lalaki sa Kalaw Avenue na hindi makaabante sa paglalakad dahil sa sobrang traffic.
Found this article interesting? Help others discover it too!

The man who can’t be moved ang atake ng isang pedestrian dahil pati ang kanyang paglalakad ay damay sa tindi ng traffic sa Maynila.

Sa viral TikTok video ni @‌mr.dndtyler, tampok ang isang lalaki na na-traffic sa sariling paglalakad sa Kalaw Avenue, Maynila. Imbes na umabante, napahinto na lang siya sa gitna ng daan dahil sa sobrang sikip ng daloy ng trapiko.

Tamang abang na lang si kuya sa stoplight, para may tiyempo at matuloy ang kanyang paglalakbay.

@mr.dndtyler

🤸

♬ Western Music: Arizona Dreaming – Piero Piccioni

Syempre, hindi nagpahuli ang mga netizen sa pagpapatawa sa comment section:

“eto ba yung human trafficking”

“10/10, hindi kamote ayaw mag overtake”

“HINDI KONA KAYA😭😭😭😭”

“The man who can’t be moved ang atake”