Lalong napamahal si Jessica Lee sa kanyang mga Pinoy fans nang ibunyag nito kung bakit siya gumagawa ng content tungkol sa Pilipinas at kung bakit itinuturing niya ang kanyang sarili bilang half-Pinoy at half-Korean.
Ani Jessica, dati siyang namalagi sa Pilipinas upang mag-aral ng English pero ang hindi niya inakala ay kung gaano siya mapapamahal sa kulturang Pinoy, maging sa kanyang mga naging teachers at kaibigan dito.
Mula sa pagkain, pakikipagkaibigan, at maging ang koneksyon na nanatili sa pagitan nila ng kanyang mga nakasama, lahat aniya ay nagmarka kay Jessica.
“The trust that we’ve formed together and the sense of connection that we felt was so big that it just really lasted forever,” aniya.
“And I’m not gonna like sugarcoat by saying that every Filipino is like that, but then mostly a lot of people would really come to us with a genuine helping hand. And that’s why that time in the Philippines was the happiest time of my life,” paglalahad niya.
Dagdag pa niya, noong panahon na siya ay nagsisimula pa lang sa kanyang pagiging content creator at desidido na talaga siya na itampok ang Pilipinas bilang malaking bahagi ng kanyang content dahil sa sobrang pagmamahal niya sa bansa.
“But fundamentally, I really wanted to go back because I started taking content creation full-time. So I had to make content that really resonated with me and that was really something that had to do with Filipino culture. So I would already define my identity being like half-Filipino and half-Korean, I would say,” aniya.