Karaniwan sa mga guro na makatanggap ng mga mumunting regalo tuwing Oktubre 5 kasabay ng selebrasyon ng World Teachers’ Day. Ngunit para sa partikular na araw na ito, hindi inaasahang makakatanggap si Teacher Luisa Casuga Conmigo ng higit pa mula sa isang mag-aaral.
Sa post ni Teacher Luisa, ibinahagi niya ang karanasan niya sa kanyang estudyanteng si Jerick, na matapos magbigay ang mga kamag-aral ng kani-kanilang regalo ay dahan-dahang lumapit sa kanya.
Ayon sa bata, wala siyang perang pambili ng regalo at tsokolate tulad ng kanyang mga kaklase kaya’t ang tanging maibibigay lang niya sa kanyang teacher ay isang bungkos ng saluyot. Naantig naman ang damdamin ng teacher sa pagiging maaalahanin ng bata kaya’t agad niyang nilinaw dito na “it’s the thought that counts.”
“Alam mo anak Jerick… meron man o wala kayong maibibigay sa akin ngayon Teachers Day . Wala sa akin iyon….dahil ang gusto ko kasama ko kayong lahat sa araw na ito. Pantay-pantay ang pagtingin ko sa inyong lahat. Actually anak, ito ang nagustuhan ko sa lahat . Pinaiyak mo ako. Dahil pinakita mo sa akin ang tunay mong pagmamahal sa akin bilang iyong guro. You are true and humble and you care for me. Gusto mong ipakita at ipaalala sa akin na dapat laging Healthy si Teacher Luisa . Salamat anak sa regalo mo. Mahal ko kayong lahat,” ani Teacher Luisa sa kanyang estudyante.
Kung naiyak man ang guro sa munting regalo ni Jerick, bumaha din ng luha ang comments section.
“Naiiyak ako habang binabasa ko.”
“Paborito ko yan kahit steam ko lang taz sawsaw sa bagoong na may kalamansi… solve na ang ulam”
“Salute u bunso at kay maam happy. teacher. Day”
“Na touch naman ako anak God be w/ you anak”
Mabuhay kayo Jerick at Teacher Luisa!