Good boy na maituturing an K-9 dog na si Yoda matapos nitong tapusin ang dalawang linggong pagtugis sa isang kriminal na nakatakas mula sa isang bilangguan sa Pennsylvania, USA.
Pinatunayan ng K-9 police dog na malakas ang kanyang pwersa tulad ng kanyang katukayong si Master Yoda sa Star Wars franchise nang matagumpay niyang nasukol ang pugang si Danelo Cavalcante habang tinatangka nitong gumapang palayo sa kanyang pinagtataguang lugar, ayon sa mga ulat.
Ang kriminal ay itininuturing na mapanganib dahil ito ay nasintensiyahan kamakailan ng panghabang buhay na pagkabilanggo. Sa sobrang takot ng mga residente sa nangyaring pagtakas ay kinansela pa ang klase sa mga malalapit na paaralan para maprotektahan ang mga mag-aaral sa posibleng gawin ni Cavalcante.
Nahirapan ang pulisya na matukoy agad kung saan nagtatago ang kriminal ngunit matapos ang halos dalawang lingo, may na trigger itong alarm malapit sa isang kabahayan kaya’t agad nagpadala ang awtoridad ng mga tauhan, kabilang na dito ang police dog na si Yoda.
Sa tulong ni Yoda, nasukol ang armadong kriminal nang walang ni isang nasaktan sa panig ng kapulisan.
Ayon sa ulat, hindi na nakaporma si Calvacante nangg sugurin siya ng aso kaya’t naaresto ito ng walang gaanong aberya.
Yoda lang sakalam!