The Duality of #KimPau! Kim Chiu at Paulo Avelino, trending na naman sa inis at kilig na dulot ng ‘Linlang’ at ‘WWWSK’

Halos araw-araw trending ang tambalan nina Kim Chiu at Paulo Avelino dahil sa magkasabay na pag-ere ng “Linlang” at “What’s Wrong with Secretary Kim?”
Found this article interesting? Help others discover it too!

Halos araw-araw ay trending ang tambalang KimPau ni Kim Chiu at Paulo Avelino. Paano ba naman kasi, sabay silang napapanood ng mga Pinoy teleserye fans sa dalawang magkaibang proyekto kung saan naipapamalas nila ang kanilang duality sa pag-arte.

Sa “Linlang” na mapapanood ang teleserye version sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, and TFC, kuhang-kuha ni Kim ang inis ng mga manonood sa kanyang pagtataksil sa kanyang asawang si Victor, na ginagampanan naman ni Paulo Avelino.

Sa kabilang banda, hooked na hooked din ang mga Pinoy sa romantic comedy na “What’s Wrong with Secretary Kim?” Pinoy version sa streaming platform na Viu. Dito naman, kung gaano ka-intense ang batuhan ng linya ng onscreen mag-jowa ay panay pasabog naman ng kilig ang misyon ng dalawa sa kanilang mga nakakatuwang eksena.

Ibang-iba din ang atake ni Kim Chiu sa kanyang mga roles kaya kung minsan ay nalilito na din ang mga fans kung gusto ba siyang akapin o sabunutan.

Puring-puri din ng fans ang commitment ni Paulo sa romcom genre dahil mas kilala ito sa pagtanggap ng mga mas dramatic na roles sa kanyang mga nagdaang proyekto.

Sa lakas ng chemistry ng dalawa, walang magtataka kung bakit palakas nang palakas ang suporta sa kanilang tambalan. Trending pa more!