Tuwang-tuwa ang mga netizens sa kakaibang eksena sa graduation ceremonies ng Saint Louis College sa San Fernando, La Union. Ito ay dahil kasama sa mga nagmartsa ang isang taong gulang na si Briel na nakasuot din ng toga gaya ng kanyang ina na si Cherry Jane Regua.
Sa Facebook post ni Kelvin Corbilla Villanueva, makikita si Cherry at Briel na sabay umakyat sa entablado para tanggapin ang diploma sa pagtatapos ng Master’s Degree in Library and Information Science.
“The cutest ‘graduate’ this year,” caption ni Kelvin.
Sa panayam ng GMA News, nakwento ni Cherry na madalas niyang isama bumyahe mula Vigan City hanggang San Fernando, La Union si Briel para pumasok sa eskwela.
Determinado daw kasi siyang matapos ang Master’s Degree maski wala siyang mapapagiwanan kay Briel sa pagpasok niya sa Saint Louis College.
“Sinabi ko sa sarili ko na dapat ngayong taon na ito matapos ko na ang Masteral ko kasi ilang years ako nag stop,” sabi ni Cherry.
“Kakayanin ko ito. Ipupush ko ito para sa magandang kinabukasan ng anak ko,” dagdag pa niya.
Bilib na bilib naman ang mga netizens sa pagma-martsa ng mag-ina.
“So cute naman ni bebe, kakatuwa naman at sinama din sya ng mommy nyah sa pag akyat”
“Kahit may anak na or napaaga ang pagkakaroon ng anak grabi push si ate sa pangarap.makapag tapos the best”
“Congratulations! Proud of you…keep going ur dreams”
“Maraming mabuntis di nakatapos sa pag aaral pero siya nagpursegi para maka graduate…congratulations”