Sa mga Pinoy na sawa na sa regular na taho na nabibili sa kanto, may isang magandang ideya ang content creator na si Ian Kweks para sa isang sosyal at refreshing na meryenda.
Sa kanyang post ay ibinahagi niya sa Instagram ang kanyang recipe para sa Thai Tea Taho kung saan pinag combine niya ang mga ingredients ng tipikal na Thai milk tea at ng klasik na paboritong taho.
Simple lang naman ang mga steps na kailangang sundan kaya’t maaari itong gawin ng kahit sino kahit nasa bahay lang. Ang maganda pa, malakas pa itong makasosyal kahit hindi naman kamahalan ang ingredients dahil pwede pa itong i-enjoy ng buong pamilya.