Tennis coach Loucas Fernandez maintains professional composure while training BINI Aiah on the court.

Tennis coach ni BINI Aiah na ultimate fanboy pala off-court, kinaaliwan ng netizens

Watch BINI Aiah’s tennis coach go viral for his hilarious duality. See Loucas Fernandez shift from pro coach to wild fanboy at the BINIfied concert.

Tiyak na maipagmamalaki ng BINI ang BLOOM na ito na certified professional pa rin sa oras ng trabaho.

Sa TikTok video na ibinahagi ni Loucas Fernandez, tampok ang kanyang pagiging propesyonal bilang tennis coach ni BINI Aiah kahit pa isa siyang ultimate fan ng P-pop idol.

Makikitang kalmado at seryoso si Loucas habang nagko-coach kay Aiah sa kanilang training session. Pero ang hindi alam ng BINI member, isa pala siyang certified fanboy na todo sa pagtalon, pagkanta, at pagsayaw bilang audience sa BINIfied concert noong nakaraang buwan.

Mula court-side composure hanggang concert-level kilig, swak na swak ang kanyang duality, patunay na puwedeng maging solid na fan habang nananatiling propesyonal sa trabaho.

@fernandezloucas Galing no #bini #biniph #fyp ♬ original sound – Loucas

Aliw na aliw naman ang netizens at kapwa BLOOMs sa comment section:

“HAHAHAHA kunwari di kinikilig”

“very professional yung inner kilig😂”

“eto ba yung sinasabi ni Elsa na ‘conceal, don’t feel, don’t let them know?’ 😂”

“hahahaha saludo ako sau boss❤️”