Team Ursula! Disney villain, nakakuha ng kakampi kay Mama Lulu

Ipinaliwanag ng social media personality na si Mama Lulu kung bakit hindi si Ariel ang biktima kundi si Ursula.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kung kadalasan ang kinakampihan ng mga tao ay ang mga Disney princesses at ang isinusumpa ang mga villains, iba ang katwiran ng sikat na nanay ng Fil-Am vlogger na si Olly na si Mama Lulu.

Sa kanilang pag-dedebate ng kanyang anak na si Apple, sinabi niyang kung ano man ang sinapit ni Ariel, na mas kilala sa tawag na Little Mermaid ay dulot ng sarili niyang kagagawan dahil ilang ulit siyang tinanong ng sea witch na si Ursula kung willing ba siyang i-give up ang kanyang tinig para sa pag-ibig.

Ani Mama Lulu, hindi naman kasalanan ni Ursula na nagpabulag sa pag-ibig ang sirena gayong hindi naman kagwapuhan si Prince Eric.

Nakisimpatya din siya sa sinapit ni Ursula dahil naging matalinong negosyante lang naman pero siya pa ang napahamak.

Marami namang netizens ang sumang-ayon kay Mama Lulu: “I agree with her……when I saw little Mermaid after becoming a mother…… All I wanted to do is give her at least One Tight Slap.” “As I was listening to mama Lulu I’m starting to get convinced that ursula really is the victim” “Mama Lulu has a point hahaha”