Team Payaman logo bida sa disenyo ni Francis Libiran para sa #perfectCongViynation wedding

Hindi mawawala sa kasalang Cong TV at Viy Cortez ang simbolo ng Team Payaman.

Bonggang-bongga ang naging wedding ng Team Payaman main couple na sina CongTV at Viy Cortez pero bukod sa magarbong handaan sa mala-fairy tale wedding, maraming ipinasok na importanteng detalye ang mag-asawa sa kanilang kasal.

Isa na dito ang customized tuxedo na ipinagawa ni Cong kay Francis Libiran kung saan ni-request ng content creator na isali sa disenyo ang logo ng Team Payaman.

Ayon sa designer, special request talaga ni Cong ang logo ng Team Payaman dahil malaking bahagi ito ng kanilang relasyon.

“Grabe talagang pinaghandaan”

“The Iconic logo!”

“Iba talaga mag isip ang Boss Cong”

“Ganda ng pag kakagawa ang galing”