Muli na namang pinatunayan ni Kulas o Kyle Jennermann ang kanyang pag-adopt sa kulturang Pilipino, hindi lamang dahil sa content kundi dahil naisapuso na niya ang mga gawaing Pinoy.
Sa kanyang huling post, ibinahagi ni Kulas na kung dati ay steak knife at tinidor ang gamit niya sa pagkain ng steak knife, ngayon at team kutsara at tinidor na siya tulad ng mga kaibigan at kapamilyang Pinoy.
Ikinuwento ni Kulas na noong una siyang nakita ng mga kaibigang Canadian na gawin ito ay hindi sila nainiwala sa kanya na mas kumportable siyang gumamit ng kutsara kaysa sa steak knife na kinagawian sa ibang bansa.
Gayunpaman, sinabi niya na sa tagal niyang gumagamit ng kutsara para sa karne sa kanyang pamumuhay sa Pilipinas ay mas natural na sa kanyang gamitin ang kubyertos na ito.
“In 2013 when I was first presented dried fish for a meal in Camotes Island Cebu, it freaking terrified me. I didn’t like it. It was ‘weird.’ But as the years progressed, and as I continued to get introduced to bulad/toyo (dried fish). I began to enjoy it. My brain, body, taste buds shifted…I now love dried fish. Seriously love it. Just like I love using a spoon,” ani Kulas.
Dagdag pa niya, hindi dapat matakot subukan ang mga bagay na nakakailang sa simula dahil baka ito ay ang tipong magustuhan at makasanayan over time.