Teacher’s pets yarn? Mga asong tambay sa classroom sa isang eskwela sa Bukidnon kinatuwaan ng netizens

Netizens tuwang-tuwa sa mga asong tahimik na nakiki-sit in sa klase sa isang eskwelahan sa Bukidnon
Found this article interesting? Help others discover it too!

Sa isang klase, normal na ang pagkakaroon ng mga teacher’s pet, kung saan may mga paboritong estudyante ang mga titser. Pero iba ang ibig sabihin nito sa isang eskwelahan sa Bukidnon dahil literal na may mga “pets” sa loob ng classroom na kahalo ng mga estudyante.

Sa isang TikTok post ni @maria Maria, makikita ang anim na aso tahimik na naki-“sit in” sa klase niya.

“Second period and my vacant time, I had the chance to document our ‘puyat’ babies sleeping. Just the cutest! Behave man kaayu,” sabi ni Maria. “This is how they are inside while the teachers conduct classes,” dagdag pa niya.

@mariakrysta

Second period and my vacant time, I had the chance to document our “puyat” babies sleeping. Just the cutest! Behave man kaayu ui. #aspinlover #happytambok #adoptdontshop #Aspin #Love #Dog

♬ Love MY Pet – silver grace

Ayon kay Maria, gustong-gusto ng mga aso sa loob ng classroom dahil walang gumagambala sa kanila.

“They love it inside kay makasleep sila at peace,” sabi ni Maria.

Maging mga estudyante ay masaya kapag nasa loob sina Carlitos, Teodoro, Mama Dog, Brownie, Asher, at Kabang.

“Nasadanay na din mga new students. yong mga dati na dito, alam na nilang nakikisit-in tong mga to,” sabi ni Maria.

Tuwang-tuwa naman ang netizens dahil sa magandang pagtrato sa mga aso.

“A dog friendly classroom”

“ma’m mukang sila 2mapos ng lesson plan saludo po sa gaya nyo..ingatan po nawa kayong lahat jan palagi”

“salute sa mga administrators ng school na inaallow ang mga dogs sa school”

“Thank you for letting them in. It’s like teaching the students to be kind and nice to them, too.”