Taylor Swift-inspired Halloween decor? Isang Swiftie, ginalingan ang pagfa-fangirl gamit ang The Eras-inspired display

Plano ng mga kapwa Swiftie na dumayo sa Wisconsin para dito.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kung karaniwang ginagamit sa mga displays sa Halloween ang mga nakakatakot na halimaw, multo, bampira at iba pa, isang superfan ni Taylor Swift ang kumuha ng inspirasyon mula sa kanyang “The Eras” tour para sa Halloween display na ginawa niya sa harap ng kanyang tahanan.

Nag-viral sa TikTok sa mga Swifties ang pagiging malikhain ng fan na si Katelyn McLaughlin ng Wisconsin kung saan dinamitan niya ang ilang skeleton ng mga damit ng tulad ng sa kanyang idolo hango sa iba’t ibang era ng ng kanyang career mula sa kanyang “Red” album hanggang sa “Reputation.”

Aniya, ang mga skeleton ay sumisimbulo sa bawat estado ng karera ni Tay-tay habang patuloy siyang nagma-mature bilang artist.

Ani Katelyn, nais niya sanang makita ng kanyang idol na si Taylor ang ginawa niyang display.

Hindi pa man nakakarating sa singer ang kanyang TikTok video, mukhang maraming kapwa fan ang dadayo sa bakuran ni Katelyn bago sumapit ang Halloween dahil usap-usapan agad sa comment section kung saan ito matatagpuan.

“Iconic,” ani isang kapwa fan.

“This is genius,” pagsang ayon ng isa pang Swiftie.

@witchyswifty “The old Taylor can’t come to the phone right now… why? Because she’s dead!” ☠️👻🎃 My ScarEras tour #lwymmd halloween display is up! Light show is NEXT! Omg, I hope @Taylor Swift sees this! 😍😍 #erastour #halloween #taylorswift #swifttok #diy #reputation #lwymmdtaylorsversion #witchtok #FYP #taylornation ♬ Look What You Made Me Do – Taylor Swift

Papakabog ba ang mga FILO Swifties jarrrn?