Tawag ng Tanghalan Wedding Edition: Singer tinalbugan ang ikakasal sa makaputol-litid na areglo ng ‘Kailangan Kita’

Napanganga na lamang ang mga nakarinig sa mala Regine Velasquez na birit ng isang singer sa isang kasalan.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Nagmistulang  grand finale ng “Tawag ng Tanghalan” ang isang kasalan matapos ang number ng isang mang-aawit na hindi nagpaawat sa pagbirit sa simbahan.

Sa videong inupload ni netizen Vincent Clemente sa TikTok, ipinakita na ang dapat sanang tahimik at pormal na seremonya ay nagulantang sa makabagbag damdaming pag-awit ng kantang “Kailangan Kita” ni Regine Velasquez.

Wala namang angal ang mga bisita dahil talaga namang napakahusay ng pagkakaawit ng makaputol-litid na areglo sa kanta.

“Abot man sa langit ang pitch,” obserba ng isang commenter.

“It’s a yes for me,” wika ng isa pa na tila nag feeling judge na sa “The Voice Generations.”

“Natawa ako sa caption pero napanganga ako sa boses,” sabi ng isa pa.

Kahit mayroong mga nagsabi na sana ay kinalmahan lang ni kuya ang pagkanta, nagkasundo naman ang lahat na may pag-asa itong manalo kung sasali ito sa mga singing contest sa TV.

O kuya, alam na this.