Kilala sa industriya ang AngBeKi (Angelica dela Cruz, Bela Padilla at Kim Chiu) bilang isa sa pinaka-close na magkakaibigan. Kaya naman, kapag may pinagdadaanan ang isa, agad na to the rescue ang iba.
Ganun na nga ang nangyari nang sorpresahin ni Bela si Kim ng isang bonding getaway nang matunugan nitong may pinagdaraaanan ang kanyang kaibigan. Kamakailan kasi ay naninibago ang mga fans na makitang tila matamlay at malungkot ang kanilang Chinita Princess habang may iba namang nakaramdam na maaaring may kinalaman ito sa pamilya.
Hindi naman kailangang usisain ni Bela ang damdamin ng kanyang kaibigan at agad na itong lumipad sa Cebu para makipag bonding dito. Hindi nga napigilan ni Kim na mapaluha sa saya ng makita ang kanyang bestie.
“By now, I think I can read Kim like a book and she doesn’t need to tell me anymore when I should show up. The same way I didn’t need to ask her to come and hang out with me in Zurich when my dad passed away. We didn’t talk about his passing we just had a great day doing things that I think he would have loved too. 🥹💕,” ani Bela sa kanyang post.
“Thank you for going above and beyond, for flying to Cebu just for me. I wish I could give back every bit of time and effort you’ve given. Nahihiya talaga ako, moms, but babawi ako, pag okay okay na. 🙏🏻,” sagot naman ni Kimmy.