Tatay na walang kaalam-alam sa engrandeng 56th birthday surprise, viral ang sweet na reaksyon

Viral ngayon ang heartwarming birthday surprise para sa isang tatay na ang buong akala ay simpleng kainan lang ang magaganap para sa kanyang kaarawan pero grand celebration pala.

Talagang kapag hindi mo inaasahan ang sorpresa, mas lalo itong nakakataba ng puso.

Sa isang nakaka-touch na TikTok video mula kay @yeshrose, naantig ang puso ng maraming netizens matapos ibahagi ang reaksyon ng kanilang tatay na pinaghandaan nila ng espesyal na 56th birthday surprise.

Ang akala ni tatay ay simpleng kainan lang ang pupuntahan niya kaya kampante pa siyang naupo mag-isa. Hindi niya alam na ilang hakbang lang sa likod niya ay nakahanda na ang buong pamilya para sa isang engrandeng pagdiriwang na matagal palang pinagplanuhan.

Pagharap niya, bumungad ang complete attendance ng kanilang angkan. Kita ang genuine na tuwa sa mukha ni tatay na agad yumakap at humalik sa asawa habang umaalingawngaw ang musikang lalo pang nagpasarap ng sandali.

@yeshrose

Super gulat yan sha 🤣 We love you father 💕

♬ Kamusta Ka – Rey Valera


Maging ang netizens ay hindi napigilang maantig ang mga puso:

“naiisip ko ung mga gantong magulang sobrang nagsacrifice sila sa mga anak nila. kaya ung anak nila sobrang gustong bumawe. 🥰🥰”

“eto isa pinakamaganda na nkita ko pa surprised , sobra gulat ni father dear🤣 nakaupo lang ei aba me handaan pala😂 godbless. good health ❤️”

“UNEXPECTED SURPRISES IS THE MOST HEARTWARMING!❤️”

“yung smile lines nya, indicates he smiles a lot must be a nice person”