Tatay na todo bigay sa munting hiling ng anak, nagpaantig ng puso sa netizens

Isang netizen, flinex sa TikTok kung gaano siya kamahal ng kanyang tatay.

Hindi lang sa pelikula o teleserye nangyayari ang “daddy’s little girl” moments; totoo rin ito in real life ni Daisy Relucio.

Sa isang TikTok post na nagpaantig sa puso ng netizens, ibinahagi ni Daisy ang simple pero sobrang sweet na ginawa ng kanyang ama nang inakyat nito ang puno para lang kunin ang manggang hinog na ni-request niya.

“Nag sabi lang ako na gusto ko ng mangga. Maya-maya di ko na namalayan umakyat na pala ng puno ang papa ko para manungkit ng mangga,” ani Daisy sa caption ng video.

@sissie_13 Flex ko lang tong Papa ko na never humindi o tumanggi sa mga gusto naming mag kakapatid, tulad kanina bigla akong nag crave ng mangga ( di ako buntis ah 😂 ) then maya maya parang napansin ko nawa bigla papa ko inisip ko bak may binili lang sa labas kaya pumasok na ulit ako sa kwarto ko. Maya maya lang kinatok nya ko at may dalang maraming mangga 🥹☺️ di lang ako swerte sa mga Tita ko swerte rin kami sa mga magulang namin at swerte rin kaming magkakapatid ☺️🩷 #moment #family #love #fatherdaughter #fatherlove #foryoupage ♬ suara asli – 18npy

Kwento ni Daisy, hindi ito ang unang beses na ipinakita ng kanilang ama ang pagiging maalaga nito lalo na sa kanilang magkakapatid.

“Flex ko lang tong Papa ko na never humindi o tumanggi sa mga gusto naming magkakapatid. tulad kanina bigla akong nag crave ng mangga (di ako buntis ah) then maya maya parang napansin ko nawala bigla papa ko. inisip ko baka may binili lang sa labas kaya pumasok na ulit ako sa kwarto ko,” dagdag pa ni Daisy.

“Maya maya lang kinatok nya ko at may dalang maraming mangga. di lang ako swerte sa mga Tita ko, swerte rin kami sa mga magulang namin at swerte rin kaming magkakapatid.”

Marami namang netizens ang napa-“aawww” sa kwento ni Daisy at nagbahagi na rin ng kani-kanilang kwento tungkol sa kanilang mga tatay:

“papa ko na weekly ako dinalhan ng chicharon after ko magtanong saan mya nabili yon (i wanted to gift it sa co-interns ko way back 2023)”

“Ganyan Ang mga ama sis love love ka niyan 🥰”

“same tayo, swerte talaga ako sa parents namin, thank you lord ganyan din papa ko if wala ulam maghahanap yan way para maka ulam kami meron naman ako work sa cc, gesture niya talaga if ano gusto ko”