Tatay na excited sa movie date kasama ang anak, kinaantigan ng netizens

Viral sa TikTok ang pagiging excited ng isang ama sa kanilang father-daughter movie bonding, na ibinahagi niya pa ang paghahanda niya sa kanilang group chat.

Certified softie si Papa! Ipinost ng isang TikTok user (@boreahae ) ang excitement ng kaniyang ama matapos niyang imbitahan ito para mag-bonding.

Sa video, makikitang idinedetalye pa ng ama ang kaniyang mga gawain sa kanilang group chat isang araw bago ang kanilang labas.

Hanggang sa araw ng kanilang bonding, kinukuhanan ng uploader ng video ang kaniyang ama habang kumakain, namimili sa isang kilalang brand ng damit, at nakikipag-kwentuhan sa ibang nakapila sa sinehan.

@boreahae

Took papa on a date but he was already so excited the day before that he kept sharing it on our GC. 🤭

♬ Little Things – Adrián Berenguer

Naantig ang puso ng mga TikTok netizens sa father-daughter bonding na ito.

“kainggit, my dad will never experience this because he left too early but I hope he is at peace. Enjoy and always make your dad happy 🙂 take care!”

“may this kind of parent find me in next life”

“Sure ako, mabait syang Father sayo growing up. ❤️”

“How I wish I could have my Papa back. I just happy to see another daughter having to enjoy life with their dad❤️”

“would do the same if Lord let me borrow my dad again kahit sa dreams lang ❤️”