Ipinagmalaki ni Tony Award winner Lea Salonga ang galing ng mga Pinoy sa entablado nang inanunsiyo nito na noong nagdaang linggo ay pinangunahan ng tatlong dugong Filipino ang tatlong London productions.
Si Lea ay isa sa mga headliners sa ongoing London production ng Sondheim’s “Old Friends,” isang produksyon na nagha-highlight sa mga pinasikat na awiting nilikha ng Broadway legend.
Samantala, si Nicole Scherzinger na dating miyembro ng Pussycat Dolls ay bumida naman sa West End production ng “Sunset Boulevard.” Umani na si Nicole ng mga papuri mula sa mga critics sa kanyang pagganap sa kanyang West End debut stage.
Hindi rin magpapahuli si London-based Pinoy actor Joaquin Pedro Valdes na huling napanuod sa London live action stage adaptation ng sikat na anime na “Death Note,” “Heathers,” at “Lion King.” Ngayon ay isa naman siya sa mga napiling gumanap sa “Pacific Overtures.”
“Super proud!!”
“Continue to soar high mga Pinoys. Nakakaproud! Ms. Lea made me love musical theater songs and I would love to see my daughter perform like her in the future. She’s still 5. Hehehe!”
“All so talented too! Wonderful!”
“Congratulations priceless opportunities and Pinoy high caliber talent on board!”