Isang masiglang lola na nakalambitin sa puno, gumagaya sa viral 'Mauwi Wowie' performance ni Darren Espanto.

Taray ni nanay! TikToker na lola, patok sa pagkasa sa viral ‘Mauwi Wowie’ performance ni Darren Espanto

Sumikat sa TikTok ang isang lola matapos kumasa sa viral 'Mauwi Wowie' performance ni Darren Espanto! Panoorin ang kanyang natatanging entry.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Dahil in na in pa rin ang “Maui Wowie” moment ni Darren Espanto, hindi napigilan ng isang lola na kumasa sa viral na kanta.

Sa TikTok video na inupload ni @‌isterlingdulay na humakot na ng 1.3 million views, makikitang nakalambitin siya sa isang puno habang kinakanta ang “Mauwi Wowie” at pabiro niya pang inilagay sa caption na “Kasalanan mo eto Darren Espalto.”

@isterlingdulay #creatorsearchinsights2025 #Imgoingbacktohonululu#fypspotted #copylink #followmypageisterlingdulay ♬ original sound – 🇵🇭Pipiface Queen👑🇨🇦

Ikinatuwa naman ng mga netizens ang kanyang bersyon ng “ASAP” performance ng aktor:

“apo nya: “daig kayo ng lola ko”“

“🤣😁😂wala kayo sa lola ko pang grand finals 😅”

“lakas pa ni lola🤣”

“Taray ni nanay day shift na siya dating night shift lumilipad😂”

“Ang galing mo la🥰”