Tara, hike! TikToker, may simpleng paraan para hindi mapagod sa pag-akyat sa Mt. Pulag

Kakaibang soul searching ang naisipan ng isang TikToker para maakyat ang summit ng Mt. Pulag.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Para sa mga beginners sa pagha-hiking na hindi sigurado kung kakayanin ba nilang akyatin ang Mt. Pulag, may simpleng solusyon ang isang vlogger para ma-enjoy ang hike ng walang pagod at hirap.

Sa isang video ni @‌echan_dnl, ipinakita niya kung paano niya narating ang pomosong Sea of Clouds ng hindi man lang pinagpapawisan. Ang kanyang solusyon? Online hike!

Bakit nga naman hindi, kung pati mga meeting at panonood ng sine ay nagagawa na online, naisipan ni Batang Gala na gamitin ang Google Earth para makita ang iba’t ibang lugar na madadaanan sa hike bago makarating sa summit ng Mt. Pulag.

Aniya, bukod sa maginhawa na, matipid pang mag-soul searching pag online. Madami namang na-inspire sa ideya ni echan at nagtanungan kung aling app ang ginamit.

@echan_dnl Soul Searching sa Mount Pulag! Tipid version #powerpuffnation #content #galangmgabaliw ♬ Funny Song – Funny Song Studio & Sounds Reel

“online nlg”

“Tara hiking”

“Lezgooo”

“this is the way”