‘Tall guy problems’ ni Poy Erram habang naghahanap ng BBQ, nagbigay katatawanan sa internet

PBA player Poy Erram sinuong ang hirap sa Davao sa ngalan ng barbecue cravings.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Ang mga Pilipino ay kilala sa pagiging hindi katangkaran. Kadugtong na nito ang mga problema gaya ng hindi abot ang mataas na lugar at hirap makipagsabayan sa mga sport na kailangan ng tangkad.

Pero para sa PBA player na si John Paul Erram, maging ang mga matatangkad ay may problema pa din na kinakaharap.

Sa isang nakakatuwang post sa Instagram, binahagi ni “Poy” na madalas din siyang makaranas ng “tall guy problems”.

“Tall guy problems. Yung feeling na pag isang sabit mo lang tutumba lahat ng tent nila na parang domino. Kaya todo iwas ka,” kwento ni Poy.

At ang dahilan ng “paghihirap” ng TNT Tropang Giga big man? Ang kanyang barbecue cravings.

“Ang gusto ko lang naman kumain ng bbq. Hindi ako aware na ganito pala kahirap dito sa Davao kumain ng bbq,” sabi ni Poy.

Sa taas na 6 ft 8 in, isa si Poy Erram sa pinakamatangkad ng players ng PBA ngayon.