Take note mga ninong at ninang! Mga Php1,000 polymer bills pwede pa rin ipambayad sa mga transaksyon kahit may tupi—BSP

Nag abiso ang Bangko Sentral ng Pilipinas na tatanggapin pa rin ang mga Php1,000 polymer bills kahit may tupi ang mga ito.

Para sa mga ninong at ninang na nagbabalak magregalo ng cash sa kanilang mga inaanak, pwedeng pwede pa rin maglagay ng Php1,000 bills sa mga ampao.

Nagpalabas ng magkakahiwalay na abiso ang Bangko Sentral ng Pilipinas, Department of Trade and Industry, Department of Interior and Local Government (DILG), at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang ipagbigay alam sa lahat na pwede pa rin ipambayad ang Php1,000 polymer bills kahit natupi ang mga ito.

Ayon sa BSP, hindi nawawalan ng halaga ang bagong Php1000 bills kahit natupi ang mga ito kaya pwede pa rin itong gamitin sa mga transaksyon.

Hinihikayat din ng mga nasabing ahensya ang publiko na isumbong sa mga kinauukulan ang mga insidenteng hindi pagtanggap ng mga may tuping polymer banknote.

Maaaring magreklamo sa pamamagitan ng mga sumusunod:

BSP e-mail address: bspmail@bsp.gov.ph
LTFRB Hotline: 1342 / Landline: 8529-7111 / E-mail address: ochm@ltfrb.gov.ph
DTI Hotline: 1-384 / E-mail address: ConsumerCare@dti.gov.ph