
Abanse, babae! Libreng birth o marriage certificates para sa mga sis, hatid ng PSA
Ililibre ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang unang 100 kababaihan sa pila nito tuwing Lunes ng Marso sa lahat ng tanggapan ng ahensya sa Metro Manila bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Women’s Month.