Tag team partners for life: Chito Miranda nangakong never iiwan at pababayaan si Neri sa kanilang vow renewal ceremony

May madamdaming pangako si Chito Miranda sa kanyang asawang si Neri sa kanilang vow renewal na ginanap para sa kanilang 10th wedding anniversary.

Matapos maklaro sa kinasangkutang kaso tungkol sa syndicated estafa ni Neri Miranda, ready nang mag move on ang Parokya ni Edgar vocalist Chito Miranda at ng kanyang wais na misis sa pamamagitan ng isang renewal of vows ceremony na ginanap kamakailan.

Ipinasilip ni Chito ang mga kaganapan sa kanyang Instagram at sinabing talagang nakatakda silang magkaroon ng vow renewal sa kanilang 10th anniversary.

Aminado si Chito na medyo na-delay ang kanilang selebrasyon pero aniya, hindi naman mahalaga ang pagkaantala dahil hindi naman sila maghihiwalay ni Neri.

“Ok lang na medyo na-delay…ang importante, natuloy. Hindi naman tayo nagmamadali. I’m not going anywhere, at habambuhay naman tayo magsasama. Hinding-hindi kita papabayaan,” aniya. “Tag team partners for life.🤟🏽😎”

Sa mga kuha ang video sa kanilang event, halatang naging emosyonal ang mag-asawa lalo na nang basahin ni Chito ang kanyang vow para kay Neri.

Marami namang naantig sa loyalty nila sa isa’t isa.

“Hindi ko alam bat ako naiyak. The song is exactly a reflection of your love story. Sana lahat ng married couple kumakapit kahit ang hirap hirap na. Nagtitiwala kahit ubos na ubos na. Happy Anniversary ❤️”

“Naiyak ako grabe! Naiisip ko gaano katatag si Neri🙏”

“Bat ako naiyak,😢grabe ang saya pong tignan Ng family niyo😍congratulations po to more anniversaries to celebrate 🙏🙏”