Tumabi na ang mga sumabak sa “DUNKA” dance challenge dahil pumasok na si Niana Guerrero sa eksena, at ang kanyang entry ay SB19-approved pa.
Sa viral TikTok post ni Niana na may 7.2 million views na agad, todo hataw ang Pinay dancing sensation sa choreography ng pinakabagong track ng P-pop kings.
Aprub na aprobu ang moves niya, ayon na rin sa mga miyembro ng SB19.
“Eto na Talaga yon,” ani Stell. Ang official account naman ng SB19 ay napa-all caps sa hirit: “YUNG BANG MALUPIT ???? 🫵🔥.”
@nianaguerrero @SB19 Official ♬ DUNGKA! – SB19