Tabernacle Choir nagpasiklab! ‘Hawak Kamay’ kinanta sa first-ever concert tour sa Pinas

Napuno ng hiyawan at umugong ng mga palakpakan sa pinaka-unang concert ng Tabernacle Choir sa Pilipinas na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Napa-wow ang mga nanood sa Tabernacle Choir nang kantahin nila ang “Hawak Kamay” sa first -ever Philippine concert tour ng grupo sa Mall of Asia Arena noong Pebrero 27.

Nagliwanag ang buong arena habang itinaas ng audience ang kanilang mga cellphone at sumabay sa pagkanta ng sikat na grupo o “musical missionaries” ng The Church of Jesus Christ of Latter-days, ng “Hawak Kamay” na sinulat at pinasikat ni Yeng Constantino.

Nag-enjoy din ang mga nanonood ng kantahin choir ang “Bahay Kubo” kasama ang award-winning Broadway singer at aktres na si Lea Salonga, ulat ng Philstar.com.

Feel na feel naman ng choir ang pagka-Pinoy dahil suot-suot nila ang Filipiniana at barong tagalog sa kanilang pagtatanghal. Ang kanilang concert ay parte ng kanilang multi city tour na ginaganap nila taon-taon para magbigay pag-asa. Sa Pilipinas, tinawag itong “Himig ng Pag-asa” tour o “Melody of Hope” tour.