Taba ng utak! Kuwentong sardinas, nabuo sa pag konek ng mga brand ng de lata

Kaya mo bang basahin ng kwentong gamit lamang ang tatak ng mga sardinas?
Found this article interesting? Help others discover it too!

Iba din talaga ang galing ng mga Pinoy pagdating sa pag iisip ng kuwentong katatawanan. Mistulang mga bagay na walang koneksiyon sa isa’t isa ay nakakayanang gawan ng storyline, ika nga.

Isang netizen ang nag post ng isang “istorya” na binuo gamit ang pangalan ng iba’t ibang brand ng mga sardinas. Gamit ang brand na Mega, Calvo, Family, Roland, Manila, Paradise, Ligo, Master, Lucky at 555, ay nag post ng challenge ang netizen na si Anna Boltron para gawing palaispan ang tema ng kuwento.

Madali namang na pick up ng mga netizen ang kuwentong tungkol sa isang byahe sa dagat kasama ang isang kalbo. Ang iba’y nagdagdag pa sa kwento gamit ang iba pang mga brand ng sardinas na di naisali.

Hindi ka talaga aantukin kapag ganito kataba ang isip ng mga makakasama mo.