Taas ng energy! Sign language interpreter umiindak habang iminumuwestra ang lyrics ng ‘Pantropriko’

Maging ang sign language interpreter ay hindi mapigilan ang pag-indak sa tunog ng BINI.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Iba talaga ang lakas ng BINI fever dahil kahit sino talaga ay napapaindak sa kanilang napaka good vibes na mga kanta.

Sa isang nakakatawang video na shinare ng isang netizen, makikitang ang sign language interpreter sa inset ng MTV ng BINI ay hindi mapigilan na mapasayaw habang ini-interpret ang lyrics ng kanta.

Dahil dito, nag trending din ang nakakatuwang sign language interpreter at nagpasaya sa mga manonood.

“SLI here! Nice one kuya. Nakakatawa sa iba pero need natin talaga gawin yan para maintindihan nila lalo hehe.”

“Ganyan naman talaga mga nagsasign language… Sobrang important ang expression, so para mas matranslate nya yung song, need nya mag dance para maenjoy din ng mga deaf”

“This is one reason why I want to learn sign language. Nakakatawa sa iba, nakakatuwa naman para sa deaf community at mga taong nakakaalam at may concern”