SWIFTIES sakalam! London pub na binanggit sa bagong kanta ni Taylor Swift, mala-Diwata Pares ang pilahan

Dinumog ng libo-libong fans ni Taylor Swift ang isang maliit na pub sa London na inspirasyon ng kanyang kantang “The Black Dog.”
Found this article interesting? Help others discover it too!

Iba talaga ang powers ng mga Swifties, ang loyal fanbase ng pop icon na si Taylor Swift. Paano ba naman, ang simpleng neighborhood pub sa London na madalas tambayan ng kanyang ex na si Joe Alwyn, ngayon ay dinudumog na dahil sa sa nabangit ito sa kanyang bagong kanta.

Sa isang panayam sa events and social media manager ng The Black Dog pub na si Lily Bottomley, sinabi niyang kahit hindi sila ganon kalaking fan ni Taylor Swift ay nagpapasalamat sila dito dahil sa hindi inaasahang promotion ng kanilang maliit na pub sa milyon-milyong fans nito.

Katunayan ay kinailangan pa nilang mag-hire ng dagdag na staff para ma-accommodate ang mga fans ni Taylor na gustong makita ang pub na naging inspirasyon ng kantang “The Black Dog.”

“We’ve been completely overwhelmed by the positivity. It’s a beautiful thing when a neighborhood pub like this gets the attention that we’re getting and it’s been nothing but good and positive vibes. And the impact, it can’t be overstated. It’s insanity,” aniya.

Idinagdag pa niya na anytime ay welcome na welcome si Taylor na bumalik sa kanilang pub.