Sweetest surprise! ‘Mama’ Kim Chiu, super proud sa mga pamangkin na nag-ipon ng baon para sa kanyang birthday treat

Kim Chiu ibininda ang container kung saan inipon ng mga pamangkin ang kanilang pera para mai treat sya sa kanyang birthday.

Sobrang touched ang “My Love Will Make You Disappear” star na si Kim Chiu sa pagiging thoughtful ng dalawa niyang pamangkin dahil mula January pa lang ay sikreto na palang nag-iipon ang dalawa para ma-treat siya sa kanyang birthday.

Sa kanyang post, proud na proud na ipinakita ni Kim ang container kung saan dahan-dahang nagdedeposito ng kanilang ipon sina Raine at Liam mula sa kanilang allowance at pagbebenta ng kung ano-anong anik-anik.

Ani Kim nagulat na lamang siya ng tanungin ng dalawa kung kailan siya may bakante sa kanyang schedule dahil ide-date daw siya ng mga ito. Sila na din ang nag-book ng lugar kung saan nila dadalhin ang kanilang Mama Kim para sa kanyang birthday surprise.

“Celebrating my birthday—their treat, their idea. I can’t even put into words how touched I am. The tita in me was like 😭. It may seem small to others, but to me, it’s everything. The sweetest, most thoughtful, and heart-melting gift,” ani Kim.

Sabi naman ni Raine, ilang buwan na pinili na lang niyang magbaon para maipon ang kanyang allowance para sa special surprise kay Mama Kim. Si Liam naman, nagmana kay Kim at nagbenta ng kung ano-ano para makaipon.

Ani ng dalawang bagets, kadalasan sa tuwing may nagbi-birthday sa kanilang pamilya, ang kanilang Mama Kim ang nag-ti-treat kaya’t ngayon ay gusto naman nilang iparanas sa kanya ang feeling na kanilang nararamdaman sa palagi niyang pagiging thoughtful.