Survivor! 2-anyos na bata na nilapa ng mga aso sa Samar, makakauwi na matapos ang mahigit isang buwan sa ospital

Walang pagsidlan ng tuwa ang ina ni baby Shiela, ang batang nilapa ng mga aso sa Samar, at maging ang radio reporter na tumututok sa sitwasyon niya dahil sa magandang balita.

Natatandaan niyo pa ba si baby Shiela? Siya ang dalawang taong gulang na bata na naging kalunos-lunos ang sitwasyon matapos itong lapain ng apat na aso sa Calbiga, Samar noong Marso 9, 2024.

Magandang balita! Nitong Miyerkules, Abril 17, nakatakda nang ma-discharge sa ospital si baby.

Laking tuwa at pasasalamat ng kanyang ina at maging ang radio reporter na si Rene Castino na tumututok sa bata dahil sa nakakaawang sitwasyon nito. Si Castino din ang naging tulay sa mga nais makatulong sa bata financially o anumang pangangailangan nito.

“Baby Shiela is a living testimony of how powerful our God is!” sabi ni Castino sa kanyang Facebook post noong Martes. Laking tulong daw ng dasal at nalampasan ng bata ang kanyang kritikal na kalagayan.

Masaya rin ang mga netizen sa magandang development na nangyari kay baby Shiela. “Sobrang tapang mo baby shiela 😘❤️” “Truly God is good,and he will always make a way especially angels like baby shiela” “Ang Bait talaga ng Diyos 🙏🏻😇 Praying for Complete Healing both Physical & Mental.. God bless Baby 😍”