Mga A’TIN sa Japan, mag-ingay!
Matutuloy na sa wakas ang pinakaaabangang “PAGTATAG!” Concert ng SB19 sa Japan na unang na postpone nang magkaroon ng problema ang grupo sa paggamit ng kanilang pangalan at logo.
Ayon sa 1Z Entertainment, sure na sure na na matutuloy ang PAGTATAG! concert nina Pablo, Stell, Justin, Ken, and Josh sa Japan Pavillion, Tokorozawa Sakura Town on April 29, ala sais ng gabi.
Ang mga tickets na unang nabili para sa December 29 show ay pwede pa ring gamitin para sa bagong schedule.
“We apologize for the delay in announcing the new date for PAGTATAG! World Tour: Japan. We appreciate your patience. The event will finally take place on April 29, and tickets from December 9 will still be honored,” saad nito sa Instagram.
“We look forward to providing you with an unforgettable experience. Thank you for your understanding, and we can’t wait to celebrate together on April 29. For tickets and inquiries, contact japan.pagtatagtickets@gmail.