Para sa isang hardcore ARMY na si Megan Young, nakakalungkot na hindi siya napili bilang isa sa isanlibong maseswerteng fans na umattend ng meet and greet ni BTS Jin matapos ang kanyang military discharge.
Nalungkot pa lalo si Megan nang malaman na ang lahat ng napiling fans ay nakayakap sa “The Astronaut” singer.
Buti na lamang todo suporta ang asawa ni Meghan na si Mikael Daez sa kanyang pagfa-fangirl dahil hindi lamang nito sinuot ang larawan ni Jin sa kanyang mukha, binigyan din niya ng napakahigpit na hug ang kanyang misis.
Umani naman ng samu’t saring komento ang naging gesture ni Mikael:
“Di man naka hug kay Jin pero at least may hubby naman po na super supportive, Cute niyo po both”
“Hahaha pano yan ngayon mas nainggit kami lalo anubayannn”
“Ano ba yan di na nga ako nakayakap kay Jin wala pa akong asawang mayayakap”