Supporting character energy! Sidekick, hinangaan sa sobrang pagsuporta sa performance ng kanyang frenny

Puring-puri ng netizens ang sidekick ni Elsa sa isang school performance dahil sa dedikasyon nito.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Isang performer sa isang school event ang umani ng papuri mula sa mga netizens, lalo na ang kanyang kaibigan na todo suporta sa kanyang number bilang Elsa ng “Frozen.”

Paano ba naman, talagang maituturing na friendship goals ang dalawa dahil ang mga special effects ng performer ay nagawa dahil sa kanyang friend na nasa kanyang likuran upang magsaboy ng pulbo.

Ang pulbo ang tumatayong snow sa kada isang muwestra ng main character na para bang bida ng pelikula. Dahil sa dedikasyon ng kanyang kaibigan, maraming netizens ang nagsabi na dapat mataas ang grade na makuha nito dahil walang dating ang performance kung wala siya.

“Mas inabangan ko Yung gagawin Nung nasa likod”

“Dapat mas mataas grade non nsa likod”

“sometimes simple act of good vibes like this made my day”