Superfan ni Byeon Woo Seok, nagbunga ang standee at effort nang mapansin siya nito

Mission accomplished ang isang fan ni Byeon Woo Seok nang magbunga ang effort nito sa pagpapapansin sa idol.

Nagbunga ang effort ng isang fan na sumalubong kay “Lovely Runner” star Byeon Woo Seok nang mapansin siya nito at buuin ang ang kanyang finger heart. Paano ba naman hindi mapapansin si ate, bukod sa may suot siyang standee ng actor ay hyper na hyper pa ito sa pagtawag sa kanya paglabas pa lang niya sa paliparan.

Kasalukuyang naglilibot sa iba’t ibang bansa ang breakout star ng “Lovely Runner” para sa kanyang fan meeting events.

Sa Pilipinas naubos agad ang tickets para sa kanyang fan meet sa New Frontier Theater sa Hunyo 22 sa loob lamang ng isang araw.

Natuwa naman ang mga kapwa fans ni Byeon Woo Seok sa nangyari dahil deserve naman ni standee girl ang atensiyon dahil sa sobrang dedikasyon nito.

“Good strategy congrats!”

“Sunjaeyaaah na tawag sa kanya hindi na wooseok”

“OMG kakaloka ka ghorl!! I would faint if i was there!!”

“Taking it all in…well deserved!”