Super sweet! Zanjoe Marudo at Ria Atayde, hands on sa paghahanda para sa kanilang magiging baby

Tila naging mutual admiration society ang mag-asawang Zanjoe Marudo at Ria Atayde habang sila ay naghahanda sa pagdating ng kanilang first baby.

Mukhang sobrang excited na ang celebrity couple na sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde sa pagiging first time parents. Sa isang post ni Ria, ipinasilip niya ang pagiging hands-on ng kanyang hubby para sa paghahanda ng kanilang baby nursery.

Sa kanyang post, ibinahagi ni Ria ang pangangarir ni Zanjoe na personal na buuhin ang mga furniture na kanilang nabili para sa kanilang magiging baby.

Todo suporta naman si Ria at ang kanilang furbaby habang ang soon-to-be daddy ay busy sa pag aassemble. Ani Ria, ang effort na ipinapakita ni Zanjoe ay patunay na magiging mabuti itong ama sa kanilang supling.

Kaya naman todo pasalamat siya at sila ang itinadhana ng Diyos para maging magkatuwang sa pagiging magulang.

Hindi naman nagpadaig si Zanjoe sa mga papuri ng asawa. Aniya, ang lahat ng kanyang ginagawa ay balewala sa pinagdaanan ni Ria ngayon habang siya ay nagdadalang-tao.

Inulan naman ng heart emojis at well wishes ang ka-sweetan ng dalawa mula sa kanilang mga kaibigan at fans.