‘Super Niño’ strikes again! 3 gold medals napanalunan sa Regional Meet, lalaban sa Palarong Pambansa

Palaro-bound na ngayong Hulyo ang para swimmer na si Niño Dayon matapos manalo ng gintong medalya sa tatlong swimming events sa Regional Meet sa Bacolod City.

Nakasungkit na naman ng tatlong gintong medalya ang paralympic swimmer na si Niño Dayon sa katatapos lang na Regional Meet sa Bacolod City.

Napanalunan ni Niño ang 50-meter backstroke, 50-meter breaststroke, and 50-meter freestyle events ng nasabing palaro na ginanap noong May 2-7.

Ang 14 anyos na tinaguriang “Super Niño” ng Negros Occidental ang magre-representa sa Western Visayas sa Palarong Pambansa 2024 na gaganapin sa Hulyo sa Cebu City.

Proud naman ang kanyang paaralan, ang Fellowship Baptist College (FBC) sa Kabankalan City, Negros Occidental, sa nakamit na tagumpay ni Dayon, na pinanganak na putol ang mga braso dahil sa kondisyon na tinatawag na phocomelia.

“We are thrilled to announce that our very own Niño Dayon has clinched three gold medals in the regional swimming competition! His dedication, hard work, and unwavering passion have truly paid off, and we couldn’t be prouder,” ayon sa FBC sa kanilang Facebook post.

“Niño, your achievement is not just a testament to your talent, but also to your resilience and commitment to excellence. You have inspired us all, and we eagerly anticipate cheering you on as you continue to make waves in the pool and beyond!” dagdag pa ng paaralan.

Noong Abril, tatlong gold medals din ang inuwi ni Niño matapos siyang manalo sa parehong swimming events as Provincial Meet na ginanap rin sa Bacolod City.