Summer version ng ‘Raining in Manila’ patok sa mga Pinoy na mahilig magkape sa initan

Maraming tinamaan at natuwa sa isang bersyon ng “Raining in Manila” na sakto sa summer.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Isa sa pinakasikat na kanta ng bandang Lola Amour ang “Raining in Manila” na swak na swak na anthem para sa tag-ulan.

Ngunit dahil summer na ngayon at El Niño pa, naisipan ng isang vlogger na gumawa ng bersyon para sa mainit na panahon para ma-update naman ang kanta sa nakakapanghinang init sa Pilipinas.

Nagpasintabi din ang vlogger na si Chie sa original artists at nagsabing “Pasensiya na Lola Amour at ang init talaga.”

Sa kanyang bersyon, inilarawan niya ang karaniwang panlalagkit na dulot ng sobrang init at tirik ng araw. Nakapag shoutout din siya sa mga Pinoy na mahilig pa ding humigop ng mainit na kape kahit impyerno feels na ang temperatura sa bansa.

(Courtesy: Facebook.com/chieaguilar04)

May suggestion pa nga ang ilan pang netizens para lalong mas maging makatotohanan ang saktuhang lyrics ni Chie.

Ibang ending version:

“Nag-jacket pa at nagkape”

“Nagawa pang magkape, naka jaket ka pate, naka medyas ka pate.”

“LSS , Rip Replay Button sama may whole version”

“ito sakin eh ITS BEEN SUMMER IN MANILA DI KA BA NAIINIT”