Summa cum laude graduate, nakatanggap ng BLACKPINK tickets mula kay Andrea Brillantes

Nakatanggap ng hindi inaasahang regalo ang isang summa cum laude graduate dahil nakapanood siya ng BLACKPINK concert live dahil kay Andrea Brillantes.

Isang graduate na nagtapos bilang summa cun laude ang nabiyayan ng ticket para sa BLACKPINK concert ng young star na si Andrea Brillantes matapos itong mag-anunsiyo sa kanyang page na ipamimigay na lang niya ang ticket ng kanyang ate na hindi makakadalo sa concert.

Nilinaw ni Blythe na hindi niya ibinebenta ang ticket at taos puso niya itong ibibigay sa isang lucky fan. Kanya-kanyang entry naman ang mga naghangad na makatanggap ng mamahaling ticket ngunit isang fresh grad ang napili ni Blythe na bigyan ng pagkakataong mapanood ng live ang BLACKPINK.

Bukod kasi sa nagtapos ito with Latin honors, ibinahagi din ng fan na marami itong pinagdaanang pagsubok bago nito natangggap ang kanyang college degree at maka martsa para sa graduation.