Naaliw ang mga netizens sa nakakatuwang pagkakaiba ng mga Pilipino at Hapon pagdating sa iba’t ibang sitwasyon.
Sa isang skit compilation, ipinakita ng tatlong Japanese artists na naninirahan sa Pilipinas kung ano ang reaksyon ng mga Hapon kapag may aksidenteng nakabanggang tao, makikiraan habang may nag pi-picture, pag magsasauli ng gamit at kung anu-ano pang mga sitwasyon.
Natawa ang mga Pinoy sa comments section dahil natumbok ng mga content creators ang perpektong reaksyon ng mga Pinoy sa mga scenario. Lalo pa silang natawa na sa kabila ng napakaraming maaaring reaksyon ng mga Pilipino at “sumimasen” (sorry, excuse me) lang ang katapat nito sa Japan.
“Oh sorry sorry, natawa ako”
“Its funny, but it shows that Japanese are so respectful and caring to each other, they show manners to all people surround them”
“Ang sakit ng tyan ko sayo hiro sa kakatawa. pero true ganyan nga mga hapon”
“Ngayon lang uli ako napahagalpak ng tawa dahil sainyo mga kuys. Salamat! Hahaha. Alam ko na ieexpect pag nakapunta sa Japan”