Sumakses ka, Nay! 70-anyos na lola, inakyat ang Mt. Apo at umawra pang naka-gown

Nagbaon pa ng gown ang isang 70-year-old climber na si Nanay Letecia Sobebe para masulit ang kanyang pictorial sa highest peak ng Pilipinas.

Kung ang ilang mas nakakabatang climbers ay hingal kabayo na bago makarating sa peak ng Mt. Apo, ibang-iba naman ang 70-year-old climber na si Nanay Letecia Sobebe, na nagawa pang umawra ng naka-gown sa summit.

Deserved na deserved naman ni Nanay ang kanyang moment dahil sa kanyang edad ay nagawa niya pang marating ang tuktok ng pinakamataas na peak sa Pilipinas. Ang Mt. Apo Digos City Peak ay may taas na 2,954 meters above sea level.

Ayon kay Angkol Jun Adventure, matapos marating ang peak ay sinadya pa talaga ni Lola Letecia na magpalit sa baon niyang gown para sa kanyang kakaibang pictorial.

“Congrats nay grabe ka power ” ani OP.

Marami din ang humanga sa lakas ni Nanay.

“pinaka mataas. Grabe si Lola!! Congrats po”

“Your achievement is a testament to your unwavering spirit, Nanay! Congratulations!”

“What an inspiration! Go Nanay!”