Habang kinakarir ng SB19 ang kanilang debut performance ng “DAM” sa “It’s Showtime,” isang cute na A’TIN ang kilig na kilig na nagmamasid sa kanyang mga stans sa gilid ng stage.
Ibinahagi ni Sarina Hilario, ang cute na anak ni Jhong Hilario, ang kanyang adventure sa pakikipag-meet sa kanyang mga idol sa kanyang Facebook post.
Ayon kay Sarina, na-meet naman na niya ang kanyang Kuya Stell at Kuya Justin sa Streeboys concert habang nakita na rin niya ang kanyang Kuya PABLO sa premiere ng “And the Breadwinner is,” pero ngayon pa lang niya makikita ang Mahalima ng buo kasama ang kanyang Kuya Ken at Kuya Josh.
Ani Sarina, sinorpresa siya ng kanyang daddy dahil hindi naman niya alam kung sino ang guests nila sa araw na iyon.
“I’m excited. Daddy has a surprise for me. And I’m going to see my other friends,” aniya bago makarating sa studio.
Isang true blue A’TIN si Baby Sari na dati nang na videohan na kilig na kilig sa isang video greeting ng grupo noong 2024.
Sulit naman ang paghihintay ni Sari dahil nang makita siya ng SB19 ay agad naman nilang niyakap ang baby girl ng kanilang Kuys Jhong. Bago umalis ay nakatanggap ng hug at kiss si Sari sa kanyang mga idol.